PAUNAWANG IMPORMASYON
Hindi Magawang Mapatotohanan ang Pagkamamamayan
/ Pagkakakilanlan sa Estados Unidos (U.S.) /
Sa Pamamagitan Ng Social Security Administration
State of California - Health and Human Services Agency
Department of Health Care Services
MC 239 DRA-6 Tagalog (2/10)
Notice Date: _________________________________
Case Number: ________________________________
Worker Name: ________________________________
Worker Number: ______________________________
Worker Telephone Number: _____________________
Oce Hours: _________________________________
ANG PAUNAWANG ITO AY UPANG IPAGBIGAY-ALAM SA IYO NA HINDI NAMIN MAPATOTOHANAN ANG IYONG
PAGKAMAMAMAYAN AT PAGKAKAKILANLAN SA ESTADOS UNIDOS SA SOCIAL SECURITY ADMINISTRATION (SSA).
ITO AY NAKAKA-APEKTO SA MGA SUMUSUNOD NA TAO:
Ilagay ang (mga) Pangalan Dito
Hinihiling ng batas Pederal na ang mga non-exempt na aplikante at umaasa sa Medi-Cal na nag-aangkin bilang mga
Mamamayan o Nasyonal ng Estados Unidos, na magkaloob ng katibayan ng kanilang katayuan at pagkakakilanlan bilang
Mamamayan/Nasyonal ng Estados Unidos. Para sa karamihan, ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapatotoo ng iyong
impormasyon sa SSA. Gayunman, hindi nagawang mapatotohanan ng SSA na ikaw ay isang Mamamayan o Nasyonal ng
Estados Unidos.
Sa loob ng 90 araw, kailangan mong magkaloob ng mga tinatanggap na dokumento ng iyong pagkamamamayan at
pagkakakilanlan sa Estados Unidos sa iyong manggagawa para sa kaso ng county. Ito ay kinakailangan upang patuloy na
matanggap ang ganap na saklaw ng mga benepisyo sa Medi-Cal.
• Ang 90-araw ng panahon na ito ay magsisimula sa ika-pitong araw batay sa kalendaryo makalipas ang petsang
nakalahad sa paunawang ito.
• Ang paunawang ito ay sinasamahan ng impormasyon kung saan ang mga dokumento ay tinatanggap. Mangyari
lamang na tingnan ang “ Ang mga Mamamayan at Nasyonal ng Estados Unidos na Naga-Apply para sa
Medi-Cal ay Dapat na Magbigay ng Katibayan ng Pagkamamamayan at Pagkakakilanlan (DHCS 0001)” o ”Katibayan
ng Pagkamamamayan at Pagkakakilanlan – Mga Bagong Kahilingan para sa Mga Umaasa sa Medi-Cal na Mga
Mamamayan o Nasyonal ng Estados Unidos (DHCS 0002).”
• Sa ilang pagkakataon na karapat-dapat para sa ganap na saklaw sa mga benepisyo ng Medi-Cal, ikaw ay
makakatanggap ng mga benepisyong ito sa 90-araw na takdang panahon.
• Kung hindi makatanggap ang county ng isang katanggap-tanggap na mga dokumento mula sa iyo, ang iyong mga
benepisyo ay mababawasan sa limitadong saklaw na mga benepisyo kasunod ng katapusan ng 90-araw na takdang
panahon. HINDI namin babawasan ang iyong mga benepisyo ngayon. Kung ang iyong mga benepisyo ay mabawasan
sa hinaharap, ang isa pang paunawa ang ipapadala tungkol doon.
Ang mga limitadong benepisyo ay sasaklaw lamang sa emerhensya, may kaugnayan sa pagbubuntis, at pangmatagalang
pangangalaga na mga serbisyo. Kung ikaw ay hindi tiyak kung ang isang bagay ay isang emerhensya, may kaugnayan sa
pagbubuntis, o isang pangmatagalang serbisyo, makipag-ugnayan sa iyong medikal na provider.
Maaari ka rin makipag-ugnayan sa tanggapan ng SSA upang malutas ang bagay na ito. Kung ang SSA ay sumang-ayon na
i-update ang mga rekord nito upang maipakita ang iyong pagkamamamayan at pagkakakilanlan para sa kaso ng county,
kailangan mong ipaalam ito sa namamahala ng iyong kasi sa count. Kung gayon, ipapadala muli ng county ang kanilang
kahilingan na patotohanan ang iyong pagkamamamayan at pagkakakilanlan sa Estados Unidos.
Ang paunawang ito ay hinihiling sa ilalim ng Welfare and Institutions Code section 14011.2