555 Wright Way, Carson City, NV 89711
Reno/Sparks/Carson City (775) 684-4DMV (4368)
Las Vegas Area (702) 486-4DMV (4368)
Fax (775) 684-4829
Website: dmvnv.com
DMV 204T (Revised 11/2020)
Aplikasyon para sa Pribilehiyo sa Pagmamaneho o ID Kard sa Pamamagitan ng Koreo
NRS 483.347, NRS 483.383-483.384, NAC 483.456-483.4595
Magagamit ng mga residente ng Nevada ang form na ito upang makapag-apply ng pagre-renew o duplikado ng driver’s license sa pamamagitan ng koreo. Isang
renewal lamang ang pwedeng kumpletuhin sa pamamagitan ng koreo sa magkakasunod na panahon ng pagre-renew. Kung ikaw ay hindi sigurado kung
karapat-dapat kang magrenew sa pamamagitan ng koreo, makipag-ugnay sa Driver’s License Renewal Mail Section sa alin mang numero ng telepono na nasa itaas
bago isumite ang iyong aplikasyon.
Kung ikaw ay hindi na residente ng Nevada, isuko mo ang iyong Nevada driver’s license sa Department of Motor Vehicles sa estado kung saan ka ngayon nakatira at
mag-apply ka ng iyong Driver’s License sa estadong iyon.
Kumpletuhin ang form na ito at ihulog sa koreo sa adres ng DMV na nakasaad sa itaas kasama ang naangkop na bayad sa pamamagitan ng tseke, money order o
awtorisasyon ng debit/credit kard (form ADM205). HUWAG magpadala ng pera. Ang mga presyo ay nakasaad sa website ng DMV sa
http://www.dmvnv.com/dlfees.htm.
Ang mga empleyado ng Gobyerno ng Estados Unidos, mga militar na nasa aktibong tungkulin, o mga dependyente ng mga ito na nais magrenew ng lisensya ay
kailangang magsumite ng kopya ng kanilang trabaho o rekord ng militar (Leave/Earning Statement) na pinapakita na ang estado ng tirahan ay Nevada. Ang mga
tauhan ng mga militar na nasa aktibong tungkulin ay hindi mapapasailalim sa parusa ng nahuling pagbayad dahil sa pagkawalang bisa ng driver’s license na mahigit
sa tatlumpung araw (30) at sila ay karapat-dapat na magrenew sa pamamagitan ng koreo hanggang dalawang (2) taon pagkatapos ng petsa ng pagkawalang bisa.
NUMERO NG NEVADA DL/DAC/ID
BUONG LIGAL NA PANGALAN SA SERTIPIKO NG KAPANGANAKAN
LUGAR NG KAPANGANAKAN (ESTADO AT BANSA)
KASARIAN(BILUGAN ANG ISA)
L B X
PANGALAN NG INA NOONG DALAGA
OO, i-print ang adres ng aking koreo sa harapan ng aking kard (Maliban sa REAL ID)
PANGUNAHING PISIKAL NA ADRES (PRINSIPAL NA TIRAHAN)
ADRES NG KOREO (KUNG SAAN MO GUSTONG IPADALA ANG IYONG KARD)
LUNGSOD, ESTADO, ZIP CODE
LUNGSOD, ESTADO, ZIP CODE
NUMERO NG TELEPONO SA ARAW (OPSYONAL)
( )
Ikaw ba ay isang mamamayan ng Estados Unidos?
Kung ikaw ay ipinanganak na lalaki, nasa 18-26 na taong gulang at HINDI tsinekan ang kahon, ikaw ay
marerehistro para sa Piling Serbisyo (Selective Service). Ikaw ay mananatiling karapat-dapat para sa mga
pederal na pautang sa mag-aaral, mga gawad, mga benepisyong may kaugnayan sa pagsasanay sa trabaho,
karamihan ng mga pederal na trabaho at, kung naaangkop, pagkamamamayan ng Estados Unidos.
HINDI, Ako ay hindi
karapat-dapat o hindi
nais na magparehistro.
Mayroon akong isang kagalang-galang na pagtitiwalag (honorable discharge) sa Hukbong Sandatahan ng U.S.
(U.S. Armed Forces) at nais na magkaroon ng isang designasyon ng beterano na ilagay/panatilihin sa aking
lisensya. Kung ang iyong kard ay wala pang designasyon ng beterano, ikaw ay kailangang magpakita ng
katibayan ng kagalang-galang na paglabas (honorable discharge).
Ikaw ba ay nagsilbi kailanman sa aktibong tungkulin sa Hukbong Sandatahan (Armed Forces) ng Estados
Unidos at humiwalay sa gayong serbisyo sa ilalim ng mga kondisyon maliban sa hindi kagalang-galang?
Ikaw ba ay naitalaga kailanman sa tungkulin para sa minimo na 6 na tuloy-tuloy na taon sa National Guard o
isang reserbang bahagi ng Hukbong Sandatahan (Armed Forces) ng Estados Unidos at humiwalay sa gayong
serbisyo sa ilalim ng mga kondisyon maliban sa hindi kagalang-galang?
Ikaw ba ay nagsilbi kailanman sa Commissioned Corps of the United States Public Health Service o sa
Commissioned Corps of the National Oceanic and Atmospheric Administration ng Estados Unidos sa kapasidad
ng isang komisyonadong opisyal habang nasa aktibong tungkulin sa pagtatanggol sa Estados Unidos at
humiwalay sa gayong serbisyo sa ilalim ng mga kondisyon maliban sa hindi kagalang-galang?
Ninanais mo bang maging donor ng organ at ipahiwatig ito sa iyong lisensiya o ID kard?
Ninanais mo bang mag-ambag ng $1 o higit pa para sa anatomical gift account? Kung gayon, magkano? $ _______________
Ang iyo bang pribilehiyo sa pagmamaneho ay kailanman binawi, sinuspinde, kinansela o tinanggihan?
Kung oo, mula sa aling (mga) Estado: Petsa: Dahilan:
Ikaw ba ay may isang kapansanan o nawalan ng paa’t kamay?
Ikaw ba ay mayroong anumang karamdaman o umiinom ng gamot na maaaring makaapekto sa iyong
kakayahan sa pagmamaneho?
Kung sumagot ka ng OO sa alinmang tanong, mangyaring ipaliwanag:
TANDAAN: Ang ilang mga medikal na kondisyon ay maaaring maipakita sa iyong DL/DAC/ID. Ang form DLD7 ay dapat kumpletuhin ng
isang manggagamot.