Pahina 2 ng 3
7.7.2020
Bersyon
KINAKAILANGANG PAYAHAG NG DAHILAN
PARA SA PAGWAWAKAS NG PAG-UPA O EBIKSYON
AT
PAUNAWA NG MGA KARAPATAN NG MGA NANGUNGUPAHAN
(Mula sa Ordinansa ng County ng Santa Clara Num.NS-9.287, bilang
pinalawak ng Ordinansa Num.NS-9.288 at dinagdag ng Ordinansa Num.NS-
9.289)
Paunawa ng Mga Karapatan ng Nangungupahan
Noong Marso 24, 2020, ipinatupad ng County ang Ordinansa Num.NS-9.287, na pansamantalang
ipinagbabawal ang mga ebiksyon para sa hindi nagbabayad ng pag-upa at mga walang-kasalanan
na ebiksyon, kung kayo, ang nangungupahan, ay maaaring magpakita na nakaranas kayo ng
malaking pagkawala ng kita o malaking gastos na medikal na binayaran ninyo bilang resulta ng
pandemya ng COVID- 19. Itong moratoryo ng mga ebiksyon ay naaangkop sa mga
nangungupahan ng tirahan at maliliit na negosyo at may bisa hanggang sa Agosto 31,
2020. Maaaring pahabain o tanggalin ng County ang moratoryo.
Kung kwalipikado kayo sa proteksyon sa ilalim ng Ordinansa, hindi kayo maaaring palayain ng
inyong landlord dahil sa di-pagbabayad ng upa kung:
1. Hindi ninyo mababayaran ang upa dahil sa malaking pagkawala ng kita na
nagreresulta sa pandemya ng COVID-19; o
2. Hindi ninyo mababayaran ang inyong upa dahil sa malaking gastos na medikal na
binayaran ninyo para sa inyong sarili o sa isang matalik na miyembro ng pamilya
na nagreresulta sa pandemya ng COVID-19.
Bilang karagdagan, kung nakaranas kayo ng malaking pagkawala ng kita o mga gastos na
medikal na binayaran ninyo na nagreresulta mula sa pandemya ng COVID-19, protektado kayo
mula sa isang "walang-kasalanan" na ebiksyon na nakalista sa Kodigong Sibil ng California sa
seksyon 1946.2(b)(2).
Kung kwalipikado kayo para sa proteksyon sa ilalim ng Ordinansa, mayroon kayong mga
karapatan na nauugnay sa inyong pagbabayad ng nakaraan na upa.Ito ay:
1. Mayroon kayong hanggang sa 6 na buwan mula sa petsa na matapos ang
Ordinansa upang mabayaran ang hindi bababa sa 50% ng inyong nakaraang renta;
2. Mayroon kayong hanggang sa 12 buwan mula sa petsa na matapos ang
Ordinansa upang mabayaran ang lahat ng inyong nakaraang renta; at
3. Ang isang landlord ay hindi maaaring sumingil ng isang late fee/o mga parusa
para sa upa na ipinagpaliban bilang isang resulta ng Ordinansa kung nababayaran
ang inyong renta ayon sa timeline na ito.
Dapat kayong magpaalam sa paguslat sa inyong landlord na hindi ninyo kayang bayaran ang upa
dahil sa COVID-19 sa pinakamabilis na paraan. May form ang County na maaari ninyong