Catalog Number 71526T www.irs.gov
Form
15080 (TL) (6-2018)
Form 15080 (TL)
(June 2018)
kagawaran ng ingatang-yaman - kawanihan ng pambansang kita
Pagpayag na Ibunyag ang Impormasyon ng Tax Return [ulat
ng bubuwisan] sa mga Lugar Pampaghanda ng Tax na VITA/TCE
Pagbunyag na Federal:
Inuutos ng batas na Federal na ipagkaloob sa inyo ang form pampagpayag na ito. Maliban sa binigyan-kapaganyarihan ng
batas, hindi namin maaaring ibunyag ang inyong tax return sa ikatlong panig na hindi ninyo pinayagan para sa mga pakay kung
hindi sa paghanda at pagharap ng inyong tax return. Kung inyong payagan ang pagbunyag ng inyong impormasyon tungkol sa
inyong tax return, hindi mapagtatanggol ng batas na Federal ang inyong tax return sa higit pang paggagamit o pamamahagi.
Hindi kayo sapilitan na ganapin ang form na ito upang makisundo sa mga serbisyo pampaghanda ng tax return. Kung nakuha
namin ang inyong lakda sa form na ito dahil ginawang pangangailangan ng aming serbisyo pampaghanda ng tax return ang
inyong pagpayag, walang bisa ang inyong pagpayag. Kung inyong pinayagan ang pagbunyag ng inyong impormasyon tungkol
sa inyong tax return, may-bisa lamang ang inyong pagpayag sa panahon na inyong tinakda. Kung hindi ninyo itinakda ang
buong katagalan ng inyong pagpayag, may-bisa ang inyong pagpayag sa isang taon mula sa petsa ng inyong lagda.
Mga Tadhana:
Pinapayagan ng Global Carry Forward ng data [pangkalahatang paglipat ng impormasyon] ang TaxSlayer LLC, ang
nagkakaloob ng software pangbubuwis sa VITA/TCE, na ibahagi ang impormasyon tungkol sa inyong tax return sa ALINMANG
lugar ng volunteer na kalahok sa program na VITA/TCE ng IRS na inyong pinili upang maghanda ng tax return sa susunod na
filing period [kapanahunan pampagharap]. Ibig sabihin nito na maaari ninyong dalawin ang alinmanng lugar ng volunteer na
gumagamit ng TaxSlayer sa susunod na taon at malalamanan ang inyong tax return ng inyong data sa pangkasalukuyang taon,
kahit na saan kayo nagharap ng inyong tax return noong nakaraan na taon. May-bisa ang pagpayag na ito hanggang November
14, 2020.
Kabilang sa ibubunyag na impormasyon sa tax return ang, ngunit hindi lamang ito, pang-demography [pag-uuri ng katipunang
tao], pananalapi at iba pang impormasyon na pagkilanlan pangsarili, tungkol sa inyo, inyong tax return at mga pinanggalingan
ng iyong kita, na ipinasok sa software pampaghanda ng buwis para sa pakay pampaghanda ng inyong tax return. Kabilang sa
impormasyon na ito ang inyong pangalan, address, petsa ng pagsilang, SSN, katayuan ng pagharap, hanapbuhay, pangalan at
address ng employer, at ang mga halaga at pinanggalingan ng inyong kita, mga pagbawas at mga credit [bawas sa buwis] na
inangkin sa, o nilalaman ng, inyong tax return. Kabilang din sa ibubunyag na impormasyon sa tax return ang pangalan, SSN,
petsa ng pagsilang, at kaano-ano ninyo ng sinumang dependent na inangkin sa inyong tax return.
Hindi kinakailangang pumayag kayo sa inyong kabakas na VITA/TCE na naghahanda ng inyong tax return sa taon na ito.
Matutulungan lamang kayo ng Global Carry Forward kung pupunta kayo sa ibang kabakas na VITA o TCE sa susunod na taon.
Hangganan sa Buong Katagalan ng Pagpayag: Hindi ko/namin, ang nagbabayad ng buwis, ninanais na takdaan ang buong
katagalan ng pagpayag sa pagbunyag ng impormasyon sa tax return sa isang petsa na mas-maaga sa pinapakita sa nauuna
(November 14, 2020). Kung ninanais ko/namin na takdaan ang buong katagalan ng pagpayag sa pagbunyag sa mas maagang
petsa, tatanggihan ko/namin ang pagpayag.
Hangganan sa Saklaw ng Pagbunyag: Hindi ko/namin, ang nagbabayad ng buwis, ninanais na takdaan ang saklaw ng
pagpayag sa pagbunyag ng impormasyon sa tax return nang karadagan sa pinapakita sa nauuna. Kung ninanais ko/namin na
takdaan ang saklaw ng pagpayag sa pagbunyag nang karadagan sa pinapakita sa nauuna, tatanggihan ko/namin ang
pagpayag.
Pagpayag:
Binasa ko/namin, ang nagbabayad ng buwis, ang impormasyon na nauuna.
Pinapayagan ko/namin, sa pamamagitan nito, ang pagbunyag ng impormasyon sa tax return na linalarawan sa mga tadhana ng
Global Carry Forward sa nauuna at pinahihintulutan ang naghahanda ng tax return na magpasok ng PIN sa software
pampaghanda ng buwis para sa kapakanan ko/namin upang patunayan na pumayag ako/kami sa mga tadhana ng pagbunyag.
Lagda ng Pangunahing Nagbabayad ng Buwis Petsa
Lagda ng Pangalawang Nagbabayad ng Buwis Petsa
Kung naniniwala kayo na inilantad ang inyong impormasyon tungkol sa inyong tax return o ginagamit nang hindi wasto sa
paraan na hindi pinahihintulutan ng batas o nang hindi ninyo pinayagan, maaari kayong makiugnay sa Treasury Inspector
General for Tax Administration (TIGTA, o pinunong tagasiyasat pampangangasiwa ng buwis) sa pamamagitan ng telephone sa
1-800-366-4484, o sa pamamagitan ng e-mail sa complaints@tigta.treas.gov
.