13
Mga Tagubilin ng Estado
Mga address sa lokal na county: Maaari
mo ring isauli ang mga nakumpletong
aplikasyon sa kawani ng lugar/tagapag-
rehistro kung saan ka naninirahan. Isang
kumpletong listahan ng mga kawani
ng county/tagapag-rehistro ay handang
makuha sa website ng Mississippi sa www.
sos.ms.gov.
Missouri
Pinabago: 09-12-2006
Huling araw na Inaasahan ang
Rehistrasyon — 28 araw bago sumapit
ang halalan.
6. Numero ng ID. Ang iyong
nakumpletong form ng rehistrasyon ng
botante ay dapat na naglalaman ng iyong
numero ng lisensya sa pangmaneho
na ipinalabas ng estado. Ang iyong
nakumpletong form ng rehistrasyon ng
botante ay kailangan din na kasama ang
huling apat na numero ng iyong social
security. (Section 115.155, RSMo). Kung
ikaw ay walang lisensya sa pangmaneho
o numero ng social security, mangyari
lamang na isulat ang “WALA” sa form.
Isang bukod-tanging numero ang itatalaga
ng Estado. Ang kahit na anong electronic
na pamamaraan, mga kopya o mga etiketa
para sa koreo na ipinagkaloob sa ilalim ng
seksyon na ito ay hindi kasama ang mga
numero ng telepono at mga numero ng
social security ng mga botante. (Section
115.157, RSMo).
7. Pinipiling Partido. Hindi mo
kailangang magparehistro sa isang
partido kung nais mong maging bahagi
sa halalang primarya, pagpupulong, o
kombensiyon ng partido.
8. Grupo ng Lahi o Grupong Etniko.
Iwanang blangko.
9. Lagda. Upang magparehistro sa
Missouri, kailangan na ikaw ay:
• maging isang mamamayan ng Estados
Unidos
• isang residente ng Missouri
• may kahit man lang 17-1/2 taong gulang
(kailangan na ikaw ay may edad na 18
taong gulang upang bumoto).
• hindi nasa ilalim ng probasyon o parole
makalipas na masentensyahan para sa
isang paglalabag sa batas, hanggang sa
tuluyang mapakawalan mula sa nasabing
probasyon o parole.
• hindi nahatulan para sa paglabag
sa batas o hindi masyado mabigat na
kasalanan o na may kuneksyon sa
karapatan sa pagboto
• hindi mahusgahan na walang
kakayahan ng kahit na anong korte ng
batas
• hindi masentensyahan ng
pagkakakulong
Address Pang-Koreo:
Secretary of State
P.O. Box 1767
Jeerson City, MO 65102-1767
Montana
Pinabago: 11-07-2019
Huling araw na Inaasahan ang
Rehistrasyon — 30 araw bago
ang eleksyon para sa regular na
pagpaparehistro. Kung nakaligtaan
mo ang nasabing huling araw, maaari
ka pa rin magparehistro at bumoto sa
halalan sa pamamagitan ng nahuling
pagpaparehistro sa tanggapan ng opisina
ng eleksyon o sa natalagang lokasyon.
Ang huling pagpaparehistro ay available
kahit kailan hanggang sa pagsasara ng
mga botohan sa araw ng halalan, maliban
sa pagitan ng tanghali at 5:00 p.m. sa araw
bago ang halalan.
6. Numero ng ID. Kailangan mong
ibigay ang numero ng iyong driver’s
license sa Montana. Kung ikaw ay walang
lisensya sa pagmamaneho sa Montana,
sa gayon ay kailangan mong ilista ang
HULING APAT NA NUMERO NG
IYONG SOCIAL SECURITY. Kung wala
kang driver’s license, o numero ng social
security, mangyaring isulat ang “WALA”
sa form at magsama ng kopya ng isa sa
mga sumusunod na alternatibong form
ng pagpapakilala: isang kasalukuyan at
balidong ID na may litrato, kasama pero
hindi limitado sa distrito ng paaralan
o postsecondary na edukasyon na ID
na may litrato o isang tribal ID na may
litrato na nakasaad ang iyong pangalan;
o isang pangkasalukuyang utility bill,
bank statement, paycheck, tseke mula
sa gobyerno, o iba pang dokumento ng
gobyerno na nagpapakita sa pangalan at
kasalukuyang address mo.
7. Pinipiling Partido. Hindi hinihiling
ng Montana ang rehistrasyon sa partido
upang makalahok sa kahit na anong
halalan.
8. Grupo ng Lahi o Grupong Etniko.
Iwanang blangko.
9. Lagda. Upang magparehistro sa
Montana, kailangan na ikaw ay:
• maging isang mamamayan ng Estados
Unidos
• may kahit man lamang 18 taong gulang
sa pagsapit o bago ang halalan
• isang residente ng Montana at ng iyong
county kung saan mo nais na bumoto
ng kahit man lang 30 araw bago ang
sumunod na halalan.
• hindi nakakulong sa bilangguan para sa
isang sentensya sa paglalabag sa batas
• hindi kasalukuyang napagpasyahan
ng isang korte na walang kakayahang
pangkaisipan
• nakatugon sa mga kuwalipikasyon na
ito sa pagsapit ng sumunod na araw ng
halalan kung hindi mo pa kasalukuyang
natutugunan ang mga ito
Address Pang-Koreo:
Ipadala ang iyong nakumpletong form
sa pagpaparehistro sa iyong lokal na
tanggapan ng eleksyon sa iyong lokal na
county. Ang impormasyon sa pakikipag-
ugnayan ng iyong county ay matatagpuan
sa Montana Secretary of State na website:
https://sosmt.gov/Portals/142/Elections/
Forms/electionadministrators.pdf.
Kung nahihirapan ka sa paghahanap ng
tanggapan ng eleksyon sa iyong county,
makipag-ugnayan sa Montana Secretary
of State Elections and Voter Services
Division para sa tulong sa (888) 884-8683
o (406) 444-9608, o sa pamamagitan ng
email sa soselections@mt.gov.
(Tala: Ang mga pagrerehistro ay maaaring
ipadala sa Montana Secretary of State na
tanggapan, gayunman, para maiwasan
ang mga posibleng pagkakaantala,
inirerekumenda namin sa iyong isauli
ang nakumpletong application para sa
pagrerehistro ng botante nang direkta sa
tanggapan ng eleksyon sa iyong county.)
Secretary of State’s Oce
P.O. Box 202801
Helena, MT 59620-2801