Tagalog&2020&
&
Screener para sa Mga Salungat na Karanasan sa Pagkabata ng Bata at Makabuluhang Kaganapan sa Buhay
(Pe
diatric ACEs and Relevant Life Events Screener) (PEARLS) – Sariling Ulat (Teen (Self Report))
!
!
Kukumpletuhin ng Pasyente
Petsa Ngayon: Petsa ng Kapanganakan:
Ang Pangalan Mo:
Maraming pamilya ang nakakaranas ng mga nakaka-stress na kaganapan sa buhay. Sa paglipas ng panahon,
makakaapekto ang mga karanasang ito sa kalusugan at kabutihan ng kalagayan mo. Gusto ka naming
tanungin para matulungan ka naming maging kasing lusog hangga’t posible.
Sa anumang punto ng panahon mula noong pinanganak ka, nakakita ka ba o naroon ka ba noong nangyari
ang
mga sumusunod na karanasan? Pakisama ang mga nakaraan at kasalukuyang karanasan. Pakitandaan, ang
ilang tanong ay may mahigit sa isang bahaging pinaghiwalay ng “O.” Kung ang anumang bahagi ng tanong ay
sinagutan ng “Oo,” ang sagot sa buong tanong ay “Oo.”
Bahagi 1
Kailanman ba ay tumira ka kasama ng magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga na nakulong?
Kailanman man ba ay naramdaman mo na hindi ka suportado, hindi mahal at/o hindi protektado?
Kailanman ba ay tumira ka kasama ng magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga na nagkaroon ng problema sa kalusugan ng pag-iisip?
(halimbawa depresyon, schizophrenia, sakit na bipolar, PTSD, o sakit na pagkabalisa)
Kailanman ba ay ininsulto, pinahiya o minaliit ka ng magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga?
Ang biyolohikal na magulang o sinumang tagapagbigay ng pag-aalaga mo ba ay kailanman, o sa kasalukuyang may problema sa
masyadong alak, pangkalyeng droga o paggamit ng de-resetang gamot?
Kailanman ba ay kinulangan ka ng angkop na pag-aalaga ng sinumang tagapagbigay ng pag-aalaga (halimbawa, hindi protektado mula
sa mga hindi ligtas na sitwasyon, o hindi naalagaan kapag may sakit o napinsala kahit na may mga dulugan)?
Kailanman ba ay nakakita o nakarinig ka na ang magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga ay sinisigawan, minumura, iniinsulto o
pinapahiya ng ibang adult? O Kailanman ba ay nakakita o nakarinig ka ng magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga na sinampal, sinipa,
binugbog sa suntok o sinaktan gamit ang sandata?
May sinumang adult sa sambahayan ang madalas o napakadalas tumulak, sumampal o may hinagis sa iyo? O May sinumang adult sa
sambahayan na napakalakas na tinamaan ka na ikaw ay nagkamarka o napinsala? O May sinumang adult sa sambahayan ang
kailanman nagbanta sa iyo o kumilos sa paraan na naging takot ka na maaari kang saktan?
Kailanman ba ay nakaranas ka ng seksuwal na pang-aabuso? Halimbawa, may sinuman bang humipo sa iyo o nagpahipo sa iyo sa
paraan na hindi nais, o hindi ka naging kumportable, may sinuman bang nagtangka o aktuwal na nagkaroon ng sex na sa bibig, sa puwit
o sa puki mo?
Kailanman ba ay nagkaroon ng makabuluhang mga pagbabago sa katayuan ng relasyon ng (mga) tagapagbigay ng pag-aalaga mo?
Halimbawa, ang magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga ay nadiborsiyo o nahiwalay, o ang romantikong kapartner ay tumira o umalis?
Bilangin ang “oo” na sagot para sa unang seksiyong ito:
Mangyaring magpatuloy sa kabilang panig para sa natitirang bahagi ng palatanungan.
Teen (Self Report) – Deidentified